KUWENTONG BUBULI

Jel's tweet/facebook status

Nagtweet at na-crosspost ito sa FB ni Jel, isang kaibigan sa UP Manila. Then people started asking WTH is BUBULI? Salamander daw ba ang bubuli?

Nung bata pa ako, laman ako ng kalsada kahit tanghaling tapat pa yan. Marami nga akong kuto nun eh, kaya rin may mga peklat ako sa binti dahil mahilig akong makipaghabulan. Competitive ako eh, mapa-langit lupa, tagu-taguan, agawan base, etc. Eto’y dala ng aking masayang buhay bilang bata. Malaya at masaya. Pero magmula nung tinakot ako ni Mom tungkol sa bubuli, nung sinabi n’ya sa ‘kin na kinakain ng bubuli yung paa ng mga batang layas, pumirmi na ko sa bahay. Umiiyak rin ako habang nagtatatakbo sa tuwing makakakita ako nun.

Liloulou's tweet via Twitter

Sa pinost na status ni Jel sa Facebook, maraming nagcomment. Dito’y nakahanap ako ng may parehong karanasan. Si Judy Marie Santiago. Binahagi ko ang aking kwento, at nagbahagi rin siya ng kanya.

Judy: Ako rin nung bata ako dun ako natakot sa mga bubuli na yan, patakbo-takbo sa may santan namin amf! Ang dulas pa ng itsura. Amffff.

Ang Salarin!!!

Tama si Judy. Madulas ang itsura nito. Di ko alam kung madulas rin kung hahawakan, at ayaw ko ri namang malaman. Mahaba ito, siguro 1 foot ang typical na haba na inang bubuli. Kung sa butiki ay takot ako, paano pa kaya sa isang bubuli???

Hanggang sa paglaki ko ay dala dala ko pa rin ang takot sa mga bubuli. Buti na lamang ay matagal tagal na rin mula ng huli akong makakita nito. At ayaw ko na ulit makakita in the flesh. Tama na yang nasa larawan.

Salamat sa Google Images, mas maiintindihan ng makakabasa ang takot ko sa mga bubuli at bakit gusto ko silang puksain!!! Wala akong pakialam kung magkaroon ng imbalance sa Ecosystem!


About Joanna Armendez
A tough cookie :)

2 Responses to KUWENTONG BUBULI

  1. irishprecious says:

    ang alam ko nga pag nagapangan ka tapos bigla mong unalis,, sasama balat mo..;o

  2. Really? Now what could be more groaaase than that? Huhuhu :( Dapat talagang puksain silang lahat!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 1,146 other followers